Linggo, Hulyo 1, 2012

PAALAM SA PAGKABATA (ANG KATAPUSANG YUGTO)
Ilang taon na ang nakalipas matapos akong napagbuhatan ng galit ni Itay sa dalampasigan,ay hindi na niya inulat ang pagkakataong nasaktan niya ako noon. Sa halip,sa tuwing ako’y nagkakamali ay idinadaan lang niya ito sa mapayapang usapan o kaya’y kung hindi na niya kayang pigilan ang kanyang matinding galit ay minsa’y  nasisigawan niya ako at maya-maya’y humingi ng patawad.
Malinaw na sa akin ang mga pangyayaring di pagkakaintindihan sa pagitan ng aking mga magulang at ang lalaki sa bahay pawid na siyang aking tunay na Ama. Pero ang tanong ko lang sa sarili ko ay “paanong nagging tunay ko na ama ang lalaki sa bahay pawid?”,”ginahasa ba niya si nanay?” .  Hindi pa ito nabanggit sa akin nina nanay at tatay ,ang nasabi lang nila ay ang totoo kong tatay ay ang lalaki sa bahay pawid.
Nakita ko ang inay at itay sa Bangka. Si tatay ay nagbubuhat ng banyera na puno nang mga preskong isda, samantalang si nanay ay inaayos ang lambat na ginamit ni tatay sa pangingisda.
Papunta ako kay nanay at tatay upang magtanong . Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay tanging naririnig ko lang ay ang aking sariling malalakas na yapak sa pagitan ng buhangin at sa aking zapatilla. Hindi ko namalayang papalapit sa akin ang lalaki sa bahay pawid,napaindak ako nang hinawakan niya ang aking balikat. “Celso, anak ba’t ‘di mo ako dinalaw kahapon?” tanong niya sa akin. “ah , kasi po may importante po akong ginawa kahapon..” sagot ko sa kanyang tanong.”mas importante pa ba yung ginawa mo kahapon kaysa sa akin?” tanong niya ulit sa akin. Hindi ko namalayang papalapit rin sina nanay at tatay sa amin,sasagot sana ako sa tanong ng lalaki sa bahay pawid subalit ako’y naunahang magsalita ni nanay. “ anong ginagawa mo dito Felipe?” tanong ni nanay ,naramdaman ko ang tinig ng boses ni nanay na tila bagang nagagalit.”Isidra, napakaganda mo pa rin ,mali bang dalawin ko ang ATING ANAK?” tanong ni tatay Felipe kay nanay na sabay sulyap kay tatay. Alam ni nanay na galit na galit si tatay ,kaya hinawakan niya ang kamay ni tatay na nagbabasakaling mapigilan niya ang galit ni tatay laban kay tatay Felipe. Ayaw magpaawat ni tatay kaya binatukan na niya si tatay Felipe. Sinuntok nang sinuntok ni tatay ang lalaki sa bahay pawid hanggang sa hindi na ito makatayo. Biglang may dumating na brgy. Tanod at inawat sila. Natulala lang ako nang makita kong dinala nila ang aking dalawang tatay sa barangay hall .
“Binugbog po ako ni Tomas ! hindi ko po alam ang dahilan!” paliwang ni tatay Felipe sa Puno ng Barangay na si Bartolome Plaza na kilala sa pagiging aktibo sa pagsugpo ng krimen dito sa aming barangay na kilala sa pangalang bargy. Sisid dahil na rin sa ,pangunahing pamumuhay dito ay ang pagsisisid at pangingisda.
“Anong wala Felipe? Anong hindi mo alam? Hindi ako baliw para bugbugin ka na walang dahilan!Alam mong asawa ko si isidra at anak ko si Celso sa mata ng batas! Kaya wala kang karapatan para kami ay guluhin!” galit na galit si tatay nang sinabi niya ang linyang iyon.”Celso , anak.. sino ba ang pipiliin mo ? ako na ang tunay mong ama o si Tomas?”tanong ni tatay Felipe sa akin. Hindi agad ako nakasagot dahil na rin sa aking pagkagulat . Alam  kong darating ang araw na ito na ako’y tatanungin. Hindi ako umimik dahil gusto ko silang dalawa ,lumabas ako. Rinig na rinig ko ang pinag-uusapan nila sa loob. Desididong kasuhan ni tatay Felipe si tatay. Nakita ko ang aking itay na yumuko na lamang.
Ilang araw  na ang nakalipas nang si tatay  ay makulong. Madalas kong nakikita si tatay Felipe sa bahay pero iniiwasan siya ni nanay. Kailangan kong makakita ng pera para kay tatay. Sumisisid ako sa tuwing tanghali at nangingisda ako sa tuwing madaling araw.
Isang araw habang ako’s sumisisid ay may nakita akong mga magagarang kotse sa baybayin. Gusto nilang bilhin ang dagat. Tumigil ang mundo ko nang Makita ang isang magandang nilalang na lumabas sa kotse. Nagging kaibigan ko siya at naging ka-ibigan. Desidido ang babaeng si Nora na tulungan kaming makalaya sa kulungan si tatay.
Nakalabas na sa kulungan si tatay, at si tatay felipe naman ay unti-unti nang naiintindihan ang sitwasyon.
Pagkagising ko isang umaga, nakita kong nagsitakbuhan ag mga tao sa dalampasigan. Nanlaki ang aking mga mata nang matuklasang si tatay Felipe ang nalunod. Pumunta ako sa bahay pawid at nakita ko ang sulat kamay ni tatay Felipe na inilaan lamang sa akin. Biglang pumatak ang aking luha habang binabasa ang ang kanyang sulat ,ngayon ko lang nalaman ang tunay na nangyari noon. Niyakap ako ni Nora, at sumunod si tatay at si nanay. Naliwanagan na si tatay na walang kasalanan si nanay sa mga nangyari . 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento